Saturday, May 21, 2011

Frustrated Writer

Talagang hinihila ako lagi ng pagsusulat. Akala mo naman may sense lagi ang mga naiisip ko. Totoo nga naman na Frustrated Writer ako!

Bakit ko ba talaga gusto magsulat? Para maging OUTLET ko. Madami akong himutok sa buhay. Maliliit na bagay, napapalaki ko sa utak ko (ewan kung anong utak meron ako). Simpleng bagay, tuwang-tuwa ako. Madali ako mapaiyak. Di ako gaano pala-kwento (lalo sa mga di ko ka-close). Piling-pili lang ang kadaldalan ko. Ewan kung dahil tamad lang ako magpaulit-ulit ng pagkukuwento sa iba-ibang tao.

Inspirasyon ko sa pagba-blog ang kaibigan ko na itatago ko sa numshang na I-Miss-You! :) Salamat girl sa laging pagpapaalala na magblog na ako. Salamat kasi ikaw lang ang may tiyagang magbasa ng kung anu-anong entries ko.

So this it! See and read more of me. :)

2 comments:

Akoni said...

Ayos ang simula nitong blogsite mo...hehe..may 21, 2011.

aabangan ko ang mga sulat mo, kung ano talaga ang nasa likod ng blog na ito..apir!

balang araw ipakilala mo sa akin si I miss you...hehe

Babaeng Bloggera said...

Oo nga eh! Ang tagal-tagal ko ng pinapaplanong gumawa ng blog, ewan kung bakit ngayon pa natiyempo!

Sige, abang ka lang. Malalaman mo mga katopakan ko. :D

At mapapakilala ko sayo si I-Miss-You pag napadaan sya. :D

*Mi Pamilya*