Saturday, May 28, 2011

Finish Line

Kailangan ba talaga makipagkumpitensya pagdating sa pagbubuntis???

Lagi ko na lang naririnig,

"Naunahan ka ni [name ni di sinasadyang mabuntis]!"

"Baog ka ata!"

"Matanda ka na pag lumaki anak mo!"

Magtatatlong-taon na kaming kasal ng asawa ko. May isa pang linya ako madalas na naririnig: : "Nag-asawa ka pa!"

Nakakaloka!

Palibhasa "IN" na ngayon na una anak bago ang pag-aasawa. (Wala naman ako sinabing against ako sa mga mag-asawa o babae na may anak lang o nauna nga ang baby bago mag-asawa)

Nakakalimutan na ata ng iba ang konsepto ng totoong pagpapamilya. Manang na nga ako kung manang. Para sa akin, di porke nag-asawa ka na, anak na agad ang kasunod!

Sinasabi ko lagi, di pa ko handa. Sa madaming bagay. Unang-una, financial. Sa ngayon dapat praktikal ka eh! Dapat iniisip mong maigi. Hindi bara-bara. Pagbubuntis mo pa lang, gastos na. (Oo, nakalimutan ko sabihin na hindi kami mayaman.) Monthly check-up. Vitamins mo para maging malusog ang dinadala mo sa sinapupunan mo. Pag nanganak ka, sandamukal na gastos, lalo sa case ko na mukhang CS ako. Sundan mo na ng mga damit nyan, pagkain, gatas, gamot, diaper. Pag lumaki-laki, pag-aaral na. Lifetime na gastusan na yan. Di pa namin kaya. Ayaw namin na tatlo kaming magugutuman. Sabi nila, "Nasasabi mo lang yan, pero pag andyan na, kakayanin nyo na yan." Ayokong i-risk ang paglaki ng magiging anak namin. Ayokong isugal. Paano pag di kinaya diba?

Pangalawa, physically. Lampa akong tao. Masyadong "Nene." Konting sakit, para na akong malulumpo. Di ko pa kayang magpakapuyat, magbuhat 20 oras ng baby.

Emotionally. Naku, di pa ako natrain maghandle ng mga batang nagtatantrums.

At madami pang word + "-ally" sa dulo! :D

Makasarili nga ba ako sa mga naiisip ko? Kasi lagi ang sarili ko lang daw ang iniisip ko sa mga sitwasyon pag dumating na ang baby namin.

Makasarili bang isipin na ayokong di maganda ang future ng baby namin. Ayokong di ko sya maalagaan ng mabuti, kasi di pa ako ready.

7 comments:

Akoni said...

Nararamdaman kita...Mahigit One year na kaming kasal ng asawa ko, gnun na talaga ang nasa utak ng mga tao, na kapag kasal na, anak na ang inaabangan nila...Nakaramdam din ako ng pressured sa mga tao sa paligid ko, naiinis din ang asawa ko sa kanila..hehe..ano daw pakialam nila kung hindi muna kami magkaanak? pero after 7 months, nabuntis din siya..hehe..basta wish you all the best, kung kailan handa na, go!. wag ma-pressure!

♣ lily ♣ said...

okay lang po yun if you're not ready yet :) mas maganda yung planado kesa sa hindi para mas maging okay ang future ni baby.

Don't mind yung mga sinasabi ng tao, ang importante is yung desisyon nyo pong mag asawa:)

Meeya Cruz said...

Hehehe.. yun na nga mga parekoi eh.. ang lagi ko sinasagot: "BAKIT KAYO BA GAGASTOS AT MAPAPAGOD MAG-ALAGA?"

Eh di mananahimik din sila.

Ang dami-dami nagpupush samin mag-anak na, samantalang kada swelduhan sa office, maririnig mo sila nagrereklamo sa panggastos, dahil nga sa mga anak nila!

Heller???

Parang ang gusto lang ata nila eh madanasan din nmin hirap na pinasok nila. :D

Vin said...

tama ka meeya sa hirap ng buhay ngayon naku pwerwisyo talaga.

dadating din yan blessings ni Bro Boss :)

Meeya Cruz said...

Salamat at nakahanap ako dito ng kakampi at nakakaintindi sa punto ko, bukod sa esposo ko. :D

apple said...

in God's time, it'll happen. and everything will be alright by then. :D

Fermin Hamja said...

there comes a time....
magkaka-anak ka din....

my sis also had no child...
she's just lyk you...3 years na xang kasal...

*Mi Pamilya*