Thursday, June 28, 2012

PAPELito's Upcoming New Item: Personalized Sticky Notes

Yey! PAPELito! will soon personalize STICKY NOTES!!! Nasa product testing stage kami ngayon.:) At nagsusurvey,at so far, madami ang nag-aabang! Yipee!!!

Friday, June 22, 2012

Fruits vs. Stones

When people throw you stones, it's because you are a good tree full of fruits. They see a lot ofharvest in you. Don't go down to their level by throwing them back the stones. But throw them your fruits so the seeds of yourself may inspire them to change their ways.

Thursday, June 21, 2012

Eh ako na nga ang busy!

Aba, matagal tagal na rin ako walang post dito.

Nakita ko pa may nagcomment sa latest post ko. Winner! :)

Pinagkakaabalahan ko ngayon? Munting negosyo lang. :)

Baka trip nyong mabisita itong Facebook Fanpage ko PAPELito. Paki-like na rin kung di pa naman gaano nakakahiya :)


Sunday, May 29, 2011

Unforgettable "First Times"

Matagal ng naglalaro sa isip ko kung ano nga ba ang magagandang "First Times" sa buhay ko.

Alam naman natin, basta "First Time," memorable talaga, mapa-good man yan o mapa-bad.

Pero ewan bakit kahit isa wala akong maisip na magandang "First Time" ko!

Kakawindang!

Tulungan nyo nga ako. :D

Saturday, May 28, 2011

Finish Line

Kailangan ba talaga makipagkumpitensya pagdating sa pagbubuntis???

Lagi ko na lang naririnig,

"Naunahan ka ni [name ni di sinasadyang mabuntis]!"

"Baog ka ata!"

"Matanda ka na pag lumaki anak mo!"

Magtatatlong-taon na kaming kasal ng asawa ko. May isa pang linya ako madalas na naririnig: : "Nag-asawa ka pa!"

Nakakaloka!

Palibhasa "IN" na ngayon na una anak bago ang pag-aasawa. (Wala naman ako sinabing against ako sa mga mag-asawa o babae na may anak lang o nauna nga ang baby bago mag-asawa)

Nakakalimutan na ata ng iba ang konsepto ng totoong pagpapamilya. Manang na nga ako kung manang. Para sa akin, di porke nag-asawa ka na, anak na agad ang kasunod!

Sinasabi ko lagi, di pa ko handa. Sa madaming bagay. Unang-una, financial. Sa ngayon dapat praktikal ka eh! Dapat iniisip mong maigi. Hindi bara-bara. Pagbubuntis mo pa lang, gastos na. (Oo, nakalimutan ko sabihin na hindi kami mayaman.) Monthly check-up. Vitamins mo para maging malusog ang dinadala mo sa sinapupunan mo. Pag nanganak ka, sandamukal na gastos, lalo sa case ko na mukhang CS ako. Sundan mo na ng mga damit nyan, pagkain, gatas, gamot, diaper. Pag lumaki-laki, pag-aaral na. Lifetime na gastusan na yan. Di pa namin kaya. Ayaw namin na tatlo kaming magugutuman. Sabi nila, "Nasasabi mo lang yan, pero pag andyan na, kakayanin nyo na yan." Ayokong i-risk ang paglaki ng magiging anak namin. Ayokong isugal. Paano pag di kinaya diba?

Pangalawa, physically. Lampa akong tao. Masyadong "Nene." Konting sakit, para na akong malulumpo. Di ko pa kayang magpakapuyat, magbuhat 20 oras ng baby.

Emotionally. Naku, di pa ako natrain maghandle ng mga batang nagtatantrums.

At madami pang word + "-ally" sa dulo! :D

Makasarili nga ba ako sa mga naiisip ko? Kasi lagi ang sarili ko lang daw ang iniisip ko sa mga sitwasyon pag dumating na ang baby namin.

Makasarili bang isipin na ayokong di maganda ang future ng baby namin. Ayokong di ko sya maalagaan ng mabuti, kasi di pa ako ready.

Sunday, May 22, 2011

June 20, 2011 declared non-working Holiday

Repost from Inquirer News:

MANILA, Philippines—Malacañang has declared June 20 a special non-working holiday to commemorate the 150th birth anniversary of national hero Jose P. Rizal.

Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. said President Beningno Aquino III signed Proclamation No. 154 on April 26, moving the commemoration to June 20 instead of June 19, which falls on a Sunday.

He said the President did this on the recommendation of the National Historical Commission of the Philippines to allow more people to participate in various activities related to the event.

“The President deems it as an opportune time for our kababayans [countrymen] to commemorate our national hero’s achievements and sacrifices for our beloved country, rekindle their admiration and respect for him, as well as participate in the various ceremonies that were prepared to celebrate this occasion,” Ochoa said in a statement.

In a letter to the Chief Executive, NHCP Executive Director III Ludovico Badoy said various activities to celebrate Rizal’s 150th birth anniversary had been prepared by the government and the private sector, including the commemorative rites at the Rizal Shrine in Calamba City in Laguna, the Philippine national hero’s birth place.


At ang pinakamasayang part dito: Birthday ng pinakamamahal kong esposo sa June 20! Yipee! :)

Putik

Nanood ako ng Paparazzi (oo, chismosa ako, madalas!). Topic si Aiko Melendez at yung Mayor Patrick ng Bulacan. Ininterview ni Cristy Fermin ang abogado nung Mayor Patrick na si Atty Lorna Kapunan. Pero di naman yun yung ikukuwento ko dito, dahil for sure mag-wo-walk-out na kayong lahat. May linya lang na nakakuha ng atensyon ko. Di ko maalala ang eksaktong mga salita, pero ganito ang thought niya:


Pag naputikan ka, hayaan mo itong matuyo. Mas madaling maalis ang dumi, isang pitik lang.


Nice diba?

Flying House

Kakatuwa.

Nakapanood kami kahapon ng Flying House.



Naalala nyo pa ba to?

Sa napanood namin kahapon, kwento ay tungkol ky Mateo at sa pagpapatawad.

"Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito (Mt. 18:21-22).

Nakakalungkot na wala ng ganitong palabas sa panahon ngayon.

Ang Power Rangers, napakadami ng versions ngayon, kada taon, meron atang bago para maisunod sa mga batang manonood.

Bakit kaya etong Flying House eh wala na? Napakaganda naman ng naituturo nito. Mas kailangan to ng mga magulang ngayon para sa kanilang mga anak. Sa opinyon ko, kakaiba na ang asal ng mga kabataan ngayon, di tulad ng panahon ko (kailan lang naman yung panahon ko na yun).

Saturday, May 21, 2011

Frustrated Writer

Talagang hinihila ako lagi ng pagsusulat. Akala mo naman may sense lagi ang mga naiisip ko. Totoo nga naman na Frustrated Writer ako!

Bakit ko ba talaga gusto magsulat? Para maging OUTLET ko. Madami akong himutok sa buhay. Maliliit na bagay, napapalaki ko sa utak ko (ewan kung anong utak meron ako). Simpleng bagay, tuwang-tuwa ako. Madali ako mapaiyak. Di ako gaano pala-kwento (lalo sa mga di ko ka-close). Piling-pili lang ang kadaldalan ko. Ewan kung dahil tamad lang ako magpaulit-ulit ng pagkukuwento sa iba-ibang tao.

Inspirasyon ko sa pagba-blog ang kaibigan ko na itatago ko sa numshang na I-Miss-You! :) Salamat girl sa laging pagpapaalala na magblog na ako. Salamat kasi ikaw lang ang may tiyagang magbasa ng kung anu-anong entries ko.

So this it! See and read more of me. :)

*Mi Pamilya*